So autistic ang iyong anak. Hindi siya nagsasalita. Marahil nagtataka ka kung ano ang tumatakbo sa loob ng kanilang isipan at hindi maiwasang ikumpara sa batang ka-edad niya na mahusay na magsalita:
| Speech Milestone | Average Age (Neurotypical) |
|---|---|
| First vowels; cooing | 2-4 months |
| Vocal play; squeals and growls | 4-7 months |
| Canonical babbling, e.g. mama, baba, dada | 7-10 months |
| Jargon babbling, e.g. badaga | 10-12 months |
| First words, e.g. ball, dog | 12-14 months |
| Says >50 words | 18 months |
| Says >200 words with 2-word combinations | 24 months |
| Says 500 to 1000 words with 3-word combinations | 36 months |
Marahil ay nagreklamo pa ang kanilang mga magulang tungkol sa kung gaano sila kadaldal: "Hindi sila tumitigil sa pagsasalita!" daing nila. Nangako ka sa sarili mo. “Makapagsalita lang ang anak ko at hinding-hindi ako magrereklamo, kahit na dumaldal pa siya maghapon at magdamag.”
Gusto mo siyang magsalita, dahil kapag hindi siya makapagsalita, umiiyak siya. O sumigaw. O nananakit. At mas malala, nagtatago siya sa isang mundo kung saan wala siyang pangangailangan o gusto, tahimik at payapa. Ngunit and katahimikang ito ay mas malala pa sa kanilang pag-iyak
Kaya nagdownload ka ng app. Napakarami nila. Pages ng mga icons na nagsasalita. Sa ganitong paraan, at least magkakaroon sila ng paraan para kausapin ka. Ngunit marahil ang app ay hindi ganun ka-epektibo. At kung epektibo man, may pag-aalala na sa tuwing bubuksan mo ang app ay medyo sumusuko ka sa makapapagsasalita sya mag-isa. Na magiging dependent na siya dito. Na ang bawat pag-tap sa niya screen ay kabawasan sa mga oras na napapraktis sana ang bibig nya sa pagsasalita.
Naiintindihan ko. Valid lahat ng iyong pag-alala.
Ngunit hihilingin ko sa iyo na tanggapin ang isang extraordinary claim: Ang Visual Choices AAC app ay hindi lamang gagawing posible para sa iyong anak na ipahayag ang kanilang mga kailangan at gusto — makakatulong din ito sa kanila na matutong magsalita nang natural, gamit ang kanilang bibig.
Paano ito mangyayari? Kung ang goal ay pakikipag-usap, hindi ba dapat magsanay ng pagsasalita ang mga batang autistic? Maaari silang mag mouth exercise at manood ng mga video ng mga bata na nag-uusap.
Hindi. Hindi iyon makakatulong — at narito ang mga dahilan kung bakit.
Karamihan sa mga autistic na bata ay may perpektong kontrol sa kanilang mga kalamnan sa bibig, sa kabila ng inaakala ng maraming tao. Ang kanilang bibig, panga, at labi ay nagtutulungan sa organisadong paraan. Ang dahilan kung bakit hindi sila nagsasalita ay dahil hindi sila nakatutok o interesado sa mga salita sa pang-araw-araw na buhay. Marami mga kawili-wiling bagay ang nakakakuha ng kanilang atensyon. Katulad na lamang ng mga umiikot na gulong, mga dandelion, elevator button at kung ano-ano pa. Kung hindi sila interesado sa mga salita, hindi sila masasanay magsalita dahilan para walang pagkatuto. Ang kanilang mga bibig ay naghihintay lamang sa mga salitang hindi darating kailanman.
Language Therapy - ang pamamaraan na napatunayan ng pananaliksik para sa pagpapabuti ng pagsasalita sa mga batang autistic. I-improve ang language(wika), mag-iimprove ang pagsasalita. Ang interbensyon ay mga paraan lamang upang higit na bigyang-pansin ng mga bata ang mga salita upang malaman nilang may kahulugan ito — at pagkatapos ay maging motibasyon ito sa kanila na matuto, magsanay, at gamitin ito, sa anumang paraan. Narito ang tatlong mahahalagang interbensyon..
Improving pointing(pagtuturo). Pagsapit ng 14 na buwang gulang, karaniwang itinuturo ng mga normal na bata ang lahat ng mga kawili-wiling bagay sa kanilang paligid, at sinasabi sa kanila ng mga magulang kung ano-ano ito. Napaka karaniwan nito at kadalasang hindi napapansin. Ito ay isang makapangyarihang driver ng bokabularyo. Ngunit sa mga batang autistic, ang pagtuturo ay madalas na mabagal o delayed. Kung mag-iimprove ang pagtuturo, mag-iimprove ang pag-aaral ng language(wika).
Improving play (paglalaro). Sa edad na 14 na buwang gulang, ang mga magulang at mga bata ay sumusubok ng maraming kumbinasyon ng mga pangngalan(nouns), pandiwa(verbs), at pang-uri(adjectives) sa kanilang paglalaro. Sa totoong buhay, ilang beses ba na babagsak ang isang gusali, o magbabanggaan ang mga sasakyan, o kakainin ng dinosaur ang isang tao? Ngunit sa paglalaro, ang mga senaryo na ito ay nangyayari nang paulit-ulit dahilan upang ito ay matanim sa isip ng isang bata. Ang paglalaro ay mahigpit na nauugnay sa pag-unlad ng wika. Ngunit sa mga batang autistic, ang pag-unlad ng mga kasanayan sa paglalaro ay madalas ding naantala. Kung tutulungan natin silang makapaglaro, hindi lamang mga simple ngunit mga komplikadong laro, mapalakas natin ang kanilang wika.
Paggamit AAC. Ang AAC ay isang mabisang tool upang bigyang pansin ang mga autistic na bata sa mga salita at ipahayag ang mga ito. Unang dahilan ay dahil sa cause-and effect of talking buttons at pangalawa ay dahil sa kaalaman na kapag pinindot nila ang isang button sa device ay maaaring makuha nila ang kanila mga gusto, na para bang tulad ng isang remote control. May kapangyarihan ang mga salita.
Sa mga batang autistic, ang naantalang pag-develop ng mga social gesture at paglalaro ay kadalasang humahantong sa pagkaantala sa mga kasanayan sa wika at pagsasalita pagkalipas ng ilang buwan. Ang mga buwan mula 12 buwan pataas ay ang mga tahimik na buwan — walang pagtuturo, paulit-ulit na paglalaro, at konting salita. Para bang ang mga bata ay nagtago sa sarili nilang mundo.
Minsan ang pagkaantala ay pagkaantala lamang. Unti-unting nadaragdagan ang mga salita, natututong magturo, at lumilitaw ang interes sa mas kumplikadong paglalaro. Di nagtatagal at ang bata ay natututo ng pagsama-samahin ang dalawa o tatlong salita upang makabuo ng mga parirala. Nakapagsasalita na sila; They are verbal; mayroon na silang kakayahang makipag-usap.
Para sa iba, ang pagkaantala ay umaabot ng mga buwan o mga taon. Maaaring may iisang salita ang bata; maaari mabilis or matagal bago nila i-echo ang mga salita o parirala. Ngunit hindi nila kayang paghahaluhaluin ang mga salita at gamitin ito sa sarili nilang paraan. Nananatili sila sa language level ng isang 18 months na bata indefinitely. Nangyayari ito sa 25-40% ng mga batang autistic.
Ngunit may magandang balita. Ang kumbinasyon ng AAC na may mga interbensyon sa paglalaro at gestures (kilos) ay transformative para sa minimally verbal autistic na mga bata.. Ang ebidensya ng pananaliksik para dito ay malinaw. Sa isang pag-aaral, ang minimally verbal autistic na mga batang may edad 5 hanggang 8 taong gulang na tumatanggap ng AAC+play+gesture intervention ay nagpakita ng mga dramatikong tagumpay sa kanilang pagsasalita ng kusa.
Paano kung mas matanda na ang iyong anak? Ang pananaliksik sa paksang ito ay madalang at kalat-kalat. Kadalasan, kung ang pagsasalita ay mangyayari, ito ay mangyayari bago ang 6 na taong gulang. Mas mataas na posibilidad sa edad na 5-7 taong gulang, lalo na kung may interbensyon. Mayroong 22 kaso na iniulat sa siyentipikong literatura ng mga batang edad 8-11 taong gulang na nakapagsalita — karamihan ay isang salita lamang sa halip na mga parirala. Walang naiulat na mga kaso ng mga batang mas matanda sa 13 taong gulang na nakapagsalita. Gayunpaman, kahit na ang malabong makapagsalita, ang functional at independiyenteng komunikasyon gamit ang iba pang mga pamamaraan ay nananatiling posible na mapaunlad sa anumang edad..
Ang natitirang mga seksyon ay mga hakbang para kung paano ito gagawin para sa iyong anak: