Improve Gestures and Play

Ang mga batang autistic ay maaaring kumilos nang iba mula sa normal na mga bata. Maaaring hindi sila tumutugon sa kanilang pangalan, o gustong tumingin sa iyo. Maaari silang lumalakad ng patingkayad, o pumipitik ng kanilang mga daliri, o i-flap ang kanilang mga kamay kapag na-stress o nasasabik. Maaari nilang ihanay ang kanilang mga laruan. Maaaring umiwas sila sa mga tunog habang walang pakialam sa malamig na tubig na nakakatakot sa kanila. Maaari silang tumakbo ng pabigla-bigla sa mga parke at sa mga kalsada. Maaari nilang ipilit na umupo sa ilang partikular na lugar, kumain ng ilang partikular na pagkain, at magpakilos sa mga tao sa ilang paraan. Maaaring hindi sila dumumi nang ilang araw. At siyempre ang dahilan kung bakit mo ito binabasa — maaaring hindi sila nagsasalita.

Hindi dapat ganito ang iniisip mo. Dapat kang maging neuroaffirming, at isaisip ang mga kalakasan ng iyong anak at, hindi ang kanyang mga kakulangan. Ang mundo ang dapat yumuko, hindi ang iyong anak.

Ngunit gayon pa man - ang mga hamon ay totoo. Totoo ang sakit na nararamdaman ng iyong anak dahil hindi siya makapagsalita nang maayos. Isang bagay ang tanggapin ang hindi na mababago, pero paano kung may mababago? At paano kung hindi ito tungkol sa pagbabago ng pagkatao ng iyong anak — ngunit ang pagbibigay sa kanila ng suporta, mga tools, pagtuturo na kailangan nila upang sila ay maging pinakamahusay? Upang makapamuhay para sa kanilang sarili, at mabuhay nang maluwalhati sa mundong ito, na hindi lamang nag-eexist dito kundi hinuhubog ito sa upang mas magandang lugar para sa kanilang sarili at sa iba?

Okay lang naman yun diba? Higit sa okay — tama iyon. Tama talaga.

Kung titingnan mo ang nakalulungkot na listahan ng mga kakulangan, tila walang pag-asa. Paano mo maaaring matugunan ang lahat ng ito? Anong mga layunin ang itatakda mo? Anong mga paraan ang iyong gagamitin? Gaano katagal? Alam ng sinumang magulang na nakatapos ng Vineland, dumalo sa isang pulong ng IEP, o nagsimula ng ABA. Nakakapagod ang lahat. At habang ang mga linggo ay nagiging buwan at pagkatapos ay mga taon na hindi pa rin sila nakakapagsalita , ang pag-asa ay kumukupas, na mapalitan ng isang mahinahong pagtanggap.

Hindi ko na patatagalin pa, Pasimplehin natin ang ideya para sa iyo.

Sa lahat ng pagkakaibang nabanggit, dalawang bagay lang ang tunay na mahalaga para sa pag-unlad ng komunikasyon ng iyong anak. Hindi yung stimming, which is mostly nakakahiya. Hindi ang mga sensory issues, kahit na napaka restricting. Hindi ang pagtakas, sa kabila ng panganib. Hindi ang constipation, sa kabila ng mga claim mula sa mga supplement manufacturers. Ang dalawang depisit lang na mahalaga para sa komunikasyon ng iyong anak sa ngayon ay:

Nakakapagtaka, Mga galaw? Maglaro? Ito ang dalawang bagay na pinakamahalaga? Hindi ko maaaring dalhin ang aking anak sa grocery store nang walang meltdown! Siya ay 7 years old pero nakasuot pa rin ng pull-ups. May mga lock ako sa mga pinto ko! Pero sasabihin mo sa akin na magfocus sa mga kilos at paglalaro? Para akong ibinagsak sa isang desyerto na may pala at machete, at sinasabi mong kailangan kong magfocus sa pagsolve ng math problems.

Oo, Parang katawa-tawa. Ngunit ito ay matibay na sinusuportahan ng pananaliksik. Hindi lang isang pag-aaral. Dose-dosenang mga pag-aaral sa loob ng dekada, lahat ay tumuturo sa parehong konklusyon.

Narito ang maaari mong isipin:

Intervention Epekto sa pagsasalita
AAC Malamang na masama, ngunit kailangan ko talagang malaman kung ano ang gusto ng aking anak, kaya handa akong subukan.
Galaw Hindi mahalaga maliban kung ito ay sign language
Laro Isang luho

Ngunit narito ang katotohanan:

Intervention Epekto sa pagsasalita
AAC Medyo positibo; tiyak na hindi makasakit.
Galaw sobrang positibo
Laro sobrang positibo
Galaw + Laro Mas lalong positibo
AAC + Galaw + Laro off-the-chart - Talagang positibo

Ang importante ay makarating ka sa stage kung saan maaari mong ilagay ang AAC at mga galaw at laro nang magkasama upang lumikha ng isang pambihirang sandali para sa iyong anak. At narito ang mabuting balita. Hindi mo kailangan ng 25 oras/linggo ng ABA para magawa ito. 30 minuto bawat araw ay higit pa sa sapat. Dahil abala ka, ang plano ay hindi gawin ito nang sabay-sabay. Ang plano ay palakasin ang mga kilos at laro ng iyong anak sa loob ng ilang buwan sa oras na convenient sayo, pagkatapos ay gumawa ng intensive push — 30 minuto bawat araw sa loob ng 6 na linggo.

Hindi ito nangangahulugan na ang iba pang mga hamon ay hindi mahalaga. Ngunit kung matutulungan mo ang iyong anak na makipag-usap, napakaraming iba pang mga bagay ang magiging mas madaling tugunan.

Maaaring mukhang hindi kapani-paniwala, ngunit ang kahalagahan ng mga galaw at laro para sa pagpapaunlad ng wika ay ganap na sinusuportahan ng pananaliksik, gayundin ang malaking na epekto ng kahit kaunting interbensyon sa direksyong ito (karamihan ng seksyong ito ay nakuha mula sa isang pamamaraan na tinatawag na JASPER, na binuo ni Prof. Kasari sa UCLA). Handa ka na bang matuto tungkol sa mga galaw at paglalaro ngayon? Dahil ito ang pundasyon kung saan nakasalalay ang lahat.

Improving Pointing

Ang unang therapist ng anak ko ay hindi speech therapist kung hindi isang occupational therapist, o behavior analyst. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng California, Los Angeles, at nagtatrabaho sa grupo ng mananaliksik sa autism ni Prof. Kasari. Nagsusumikap siyang turuan ang anak ko kung paano magturo(how to point).

Simple lang ang pamamaraan niya. Magpapakita siya ng laruan na hindi kayang abutin ng anak ko. Susubukang nyang abutin ito gamit ang kanyang kamay. Agad na hahawakan ng therapist ang kamay at ikinukulot ang mga daliri upang maiwan lamang ang hintuturo na nakaturo sa laruan. Paulit-ulit nya itong ginagawa, sinasamantala ang bawat pagkakataong makukuha niya.

Illustration of a child reaching for an object held just out of reach. Illustration of a prompter gently shaping a child's hand into a point by curling down the middle three fingers.

Namangha ako sa aking napanood. Wala pa akong nakitang katulad nito noon. Sa wakas, hindi ko napigilan ang sarili ko at napatanong ako, "Paano ito magtuturo sa kanya kung paano magsalita?" Bahagya siyang huminto at maikli ngunit marahan akong sinagot: "Ang pagtuturo(pointing) ay daan sa language(wika). Ang wika ay daan sa pagsasalita."

Ang pagtuturo ay daan sa wika. Ang pagtuturo ay daan sa wika?

Syempre. Sa panahon na ang isang normal na bata ay isang taong gulang na, marunong na sila magturo ng mga bagay na gusto nila. Gatas. Aklat. bola. Pusa. Mama. Dada. Hindi lamang nila nakuha ang mga bagay na gusto nila, nakakakuha rin sila ng mga social rewards kagaya ng marinig ang pangalan ng mga bagay na iyon, yakapin sila, at pagkatapos ay ulitin muli ang pangalan.

Pagkalipas ng ilang buwan, itinuturo nila hindi lang para makakuha ng mga bagay, kundi para ibahagi ang kanilang curiosity at excitement tungkol sa mga bagay-bagay: isang eroplanong lumilipad sa itaas, isang trak na may dalang mga sasakyan, isang suso sa isang dahon, isa pang sanggol na dumaraan.

Hindi nakakapagtaka na marami na silang bokabularyo. Ang pagturo ay daan sa wika.

Isa sa mga pinakabagong pag-unlad sa teknolohiya ng AAC ay ang Visual Scene Display (VSD) — isang larawan ng isang eksena, na may mga bagay na nakabalangkas sa mga kahon. I-tap ang kahon, marinig ang pangalan. Ito ay kilala upang mapalakas ang wika. Ngunit kung marunong tumuro ang iyong anak, hindi nila kailangan ng VSD. Ang kanilang buong mundo ay naging kanilang VSD, ang laboratoryo ng kanilang wika, isang three-dimensional na arena sa pag-aaral kung saan ang kahulugan ay naitatalaga sa mga bagay sa pamamagitan lamang ng pag-ikot ng kamay sa paligid.

Bilang napakahalaga ang pagtuturo, paano mo ito ituturo sa isang autistic na bata? Sa parehong paraan na ginawa ng therapist ng anak ko. Maghintay na abutin, pagkatapos ay dahan-dahang kulutin ang kanilang tatlong gitnang daliri habang pinapanatiling naka-extend ang kanilang hintuturo. Now it’s a point!

Ang mga batang autistic ay hindi nagsisimula sa parehong social motivation gaya ng sa mga normal na bata. Ngunit gusto rin nilang magkaroon ng access sa mga bagay kagaya nila. Kaya kahit hindi ka nila tinitingnan o tinuturo, gusto pa rin nilang maabot ang mga bagay sa paligid nila. Kung huhubugin mo ang kanilang mga darili at ibibigay agad ang mga item na tinuro nila, kaya nilang dumaan sila sa parehong transformation ng mga normal bata — mula sa paggamit ng pagtuturo bilang isang paraan upang makakuha ng mga items, hanggang sa paggamit ng pagtuturo bilang isang paraan upang magbahagi ng mga interes at matuto socially.

Tinatawag ito ng mga propesyonal na "Paggamit ng pagtuturo bilang tulay sa pagitan ng requesting at joint attention". Ngunit sa totoo lang, natututo lang ng iyong anak na maibahagi ang kanilang mundo sa iyo.

Narito ang iba pang mga tips:

  1. Panatilihing nakatago ang mga laruan. Oras na ng paglilinis! Malinis ang sahig. Ang mga laruan ay itago sa mga kahon, bins, o istante. Ngayon kung gusto nila ng laruan, kailangan nilang humingi ng tulong sa iyo.
  2. Itinuro mo ito, makukuha mo ito.. Walang mas mabilis na nakaka-excite sa isang bata kaysa malaman na mayroon na silang bagong superpower. Ibigay agad ang mga rewards at laruan. Maaari kang maging mahigpit sa mga susunod na pagkakataon.
  3. Tingnan kung kaya niyang tingnan ang mga itinuturo mo. Nakipaglaro ako ng taguan ng maraming beses sa aking anak: "Nasaan si Pikachu? Here’s Pikachu!" [dramatikong pagtuturo]. Maaaring gumamit ng mga pointer stick, hands-on-stick, o higanteng mga kamay upang gawin itong mas exaggerated. Matagal namin itong unulit-ulit hanggang sa natutunan nya eto.

Kapag nagsimula nang magturo ang iyong anak, simulan ang pagtuturo sa malalayong bagay na alam mong magugustuhan din niya. Ito ay nag-eencourage sa kanila na ibahagi ang kanilang mga interes sa iyo sa parehong paraan.

Illustration of a child pointing up at an airplane in the sky.

Bilang halimbawa, Mahilig anak ko ang mga fans— anumang bagay na umiikot. Wala nang mas mabilis na makakapagpapaturo sa kanya kaysa sa pagtayo sa tabi ng aircon. "Ah. Ah. Ah" sabi niya. Isang araw, may itunuro siya sa langit. “Eh Eee Opp Er”. Helicopter. Nahanap na niya ang pinakamalaking fan sa lahat! Hindi lang salita ang nagpa-excite sa kanya. Ngayon alam na niya kung paano ako papasukin sa mundo niya.

Makalipas ang ilang taon, tinanong ko siya kung naaalala niya ang mga therapy sessions sa UCLA. Sabi nya, naalala niya ng konti. Tinanong niya ako kung bakit kami pumunta doon. Sinabi ko na ito ay upang turuan siya kung paano makisalamuha sa ibang tao.

Huminto siya ng matagal, saka nya ako itinama.

"Natutunan ko kung paano makipag-ugnay sa IYO!" sabi niya.

Sabay turo sakin.

Improving Play

Gaano ka kadalas nakikipaglaro sa iyong anak?

Maaaring makaramdam ka ng kaunting inis sa tanong na ito. Medyo gui-guilty. Medyo malulungkot.

Maaari kang makaramdam ng hindi malinaw na pagkabalisa. Ang paglalaro ay isang bagay na mabuti para sa iyong anak, tama ba? Isang bagay na dapat mong i-enjoy na gawin kasama sila. Isang bagay na dapat nilang i-enjoy na gawin kasama ka. Isang bagay na dapat gusto nila.

Ngunit hindi mo makuha ang sense at all. Sila ay nasa kanilang sariling mundo ng patterns at istraktura, at ikaw ay isang imperpektong bahagi sa kanilang perpektong mundo. Baka gusto nilang sumulat ka ng mga numero nang paulit-ulit. Baka gusto nilang inihahagis at pinipisil-pisil sila ng ng paulit-ulit. Maaaring gusto nilang gumapang ka sa mga tunnels sa parehong paraan sa bawat oras, paulit-ulit. Walang koneksyon, purong laro lamang. Para kang tao na vending machine. Sa iyong pinakamababang punto, nagtataka ka, mahal ba ako ng aking anak?

Pause.

Pause, dahil marami tayong dapat isa-isahin.

Pause dahil gusto kong i-reframe ang paglalaro sa iyo, hindi bilang isang gawain, ngunit bilang isang act of rescue.

Pause dahil gusto kong magkwento sa iyo ng isa pang istorya tungkol sa aking anak.

Noong maliit pa ang anak ko, bago siya mag-1 year old, isa siyang masayahin, pilyo, social child. Pumalakpak siya sa musika. Sinunod niya ang mga itinuturo ng kanyang lola. Nang pinakain namin siya ng aking partner sa kanyang high chair, pinagmamasdan niya kaming mabuti, at nang malingat kami ng isang segundo, ipinasok niya ang mga blocks mula sa kanyang mesa sa loob ng kanyang diaper. Nagtaka kami kung saan ito napunta, hanggang sa siya ay tumayo siya, at nahulog ang mga blocks mula sa kanyang diaper. Nandoon siya, kasama niya, konektado siya sa amin.

Ngunit biglang nawala ang lahat.

Sa loob ng tatlong buwan, nagtago siya sa sarili niyang mundo. Hindi na tumitingin sa akin. Hindi na sumasagot sa pangalan niya. Paulit-ulit lang na binubuksan ang Roomba. Ang kanyang katawan ay nasa tabi ko, ngunit ang kanyang isip ay isang milyong milya ang layo. Ang tanging pagkakataon na sumulyap siya sa akin ay tuwing kinantahan ko siya habang pinapalitan ko ang kanyang diaper.

Ang aking anak ay tumawid sa karagatan
Ang aking anak ay tumawid sa dagat
Ang aking anak ay tumawid sa karagatan
Oh ibalik mo sa akin ang anak ko

Naimagine ko siya sa labas, pagod at malungkot. Sa aking panaginip, iniwan ko siya sa playground, at nakalimutan kong sunduin siya, at hinihintay niya akong bumalik at sunduin siya. Pero hindi ko alam kung nasaan siya. Paulit-ulit ko siyang tinatawag, sinusubukan kong sumilip, ngunit walang nangyari. Nawala siya, at hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Hanggang sa nagsimula kami ng maagang interbensyon, at nalaman ko ang pangunahing katotohanan na pinagbabatayan ng lahat ng mga therapy para sa mga batang autistic. Hindi mo sila maiaalis sa kanilang mundo pabalik sa mundo natin. Maaari ka lamang sumali sa kanilang mundo, at dahan-dahang palakihin ito hanggang sa ito ay sumanib pabalik sa social world na ginagalawan nating lahat.

At kung iyon ang paraan, paglalaro ang daan para makarating doon. Ang paglalaro ay hindi isang act of service. Ito ay hindi pagtutulak ng bato paakyat ng walang katapusang at walang bunga. Ito ay isang act of love at act of rescue. Na para bang pagsakay sa spaceship papunta sa kung saang planeta sila naroroon. At para sabihin nila, nahanap mo ako. At para sabihin mong oo, nahanap kita. Halika na. Uwi na tayo.

TIyan ang dahilan. Ngayon narito kung paano. Simple lang ngunit mahirap - isang minuto upang matuto, habang-buhay upang makabisado. Narito ang ideya: imitate(gayahin) and expand (palawakin).

Imitate (Gayahin).

Gayahin at malalaman ng iyong anak na kasama mo sila.

Gayahin at malalaman ng iyong anak na naiintindihan mo sila.

Follow their lead. Pinapagulong nila ang bola? Pagulungin mo rin yung bola. Ikaw na ngayon ang rolling-est ball-rolling captain ng Planet Roll, kung saan gumulong ang mga bola. Walang mas magaling gumulong na kagaya mo.

Pabalik-balik, pabalik-balik. My turn, your turn. Hanapin ang rhythm, gumawa ng routine. Ang stage na ito — kayong dalawa ay naka-sync — ay may teknikal na pangalan: “joint engagement.” Dito nangyayari ang magic.

Pagkatapos ay i-extend ang routine. Magdagdag ng isang extra bit dito. Maaring gumulong ang bola sa iyong kamay at piniga mo ito. SQUISH! O napunta ito sa iyong palad, na ngayon ay isang ejector platform na itinataas ito sa hangin. BOING! O bumagsak ito sa isang tore ng mga blocks. BOOM BOOM BOOM!

Ngayon maghintay ka. Let the moment sit and stretch.

Pagkatapos, nangyari ang himala. Ang iyong anak ay humahagikgik at ginagaya ka. Hindi ka lang tagasunod, tagakuha ng mga order, isang vending machine sa anyo ng tao. Isa kang collaborator, co-conspirator, partner-in-crime. Mundo ng iyong anak: population 2.

Illustration of a parent and child engaged in a joint play routine, with the parent adding an extension.

Ipagpatuloy mo ang routine. Gumulong SQUISH! o gumulong BOING! o gumulong BOOM! Siguro sapat na yan para sa araw na iyon. O baka sa tingin mo ay kaya pang magdagdag ng pangatlong step..

Sa alinmang paraan, nakapunta ka na sa mundo ng iyong anak, at unti-unti, routine by routine, extension by extension, ikaw ay gumagawa ng barko na maghahatid sa inyong dalawa pauwi.

Natural, the devil is in the details. Paano mo eksaktong pahahabain ang paglalaro ng iyong anak? Sa anong mga ideya? Pare-parehong ulit-ulit, at hindi lalago ang iyong anak. Masyadong mahirap, at hindi tatanggapin ng iyong anak — at hindi rin siya lalago.

Sa kabutihang palad, mayroong isang guide, isang gabay, isang landas batay sa kung paano karaniwang nabubuo ang paglalaro sa mga bata. Kailangan mo lang malaman kung nasaan ang iyong anak, at sundin ang guide na ito.

Chart or diagram illustrating the four levels of play development: Cause and Effect, Combination, Functional, and Symbolic.

Ang guide ay binubuo ng apat na level ng paglalaro.

Cause and effect play

Maagang natututunan ng mga bata ang physics ng mga laruan: gumulong ang mga bola, bumagsak ang mga sasakyan, bumagsak ang mga blocks. Karaniwan, magsisimula sila sa pamamagitan ng pagtrato sa lahat ng laruan bilang magkakapareho, pagsubo sa mga ito, paghagis sa kanila, pagpisil sa kanila — ngunit pagkatapos ay mabilis na nagiging mas discriminating habang nalaman nila kung ano ang dapat gawin ng iba't ibang bagay. Ang paglalaro ng cause and effect ay maaaring maging kumplikado, ngunit ang pangunahing ideya ay nagpapatuloy: kapag may ginawa ka, may kasunod na mangyayari.

Combination play

Ito ang simula ng pagkamalikhain, at ang pagtatapos ng isang malinis na kwarto. Kabilang dito ang mga laruan na may maraming piraso na maaaring pagsama-samahin. Ang mga bata ay karaniwang nagsisimula sa mga laruan kung saan ang bawat piraso ay may tiyak na lugar kung saan ito nararapat - kagaya ng puzzle kung saan ang mansanas, saging, at peras ay napupunta sa tamang pwesto. Kabilang din ang mga open-ended na laruan tulad ng Legos, Magna Tiles, Squigs, at wooden blocks. Sa stage na ito, hindi lamang ito tungkol sa pagbuo ng bagong laruan. Ito ay tungkol lamang sa kung paano pagsasama-samahin ang mga piraso ng laruan.

Ang mga magulang ay madalas na nagreresist sa pagtalon sa combination play dahil napakahirap itago at i-organized ang mga laruan. Ngunit huwag ito ipaglaban, at sa halip ay yakapin ito. Bumili ng sampung bins or kahon at ilagay sa isang istante. Isiping investment ito sa pag-unlad ng paglalaro ng iyong anak, at kapayapaan ng iyong isip.

Functional play

Ngayon ang kanilang mga constructions ay hindi lang basta-basta, mas buo ang anyo nito — mga Lego na eroplano, Manga Tile na mga kotse, at mga kahoy na blocks na bahay.

Ang mga bagay ay makatotohanan. Pumapasok ang mga sasakyan sa mga garahe. Ang pizza ay napupunta sa mga plato. Sinipilyo at hinuhugasan ang mga manika. Pinakain ang mga stuffed animals.

Ang isang karaniwang routine ay ang pagbuo ng isang runway, pagkatapos ay ang pagpapaalipad ng eroplano mula sa runway. O kaya naman ay magbe-bake ng cookies, paglalagay ng mga toppings sa kanila, pagkatapos ay ipakain sila buwayang stuffed toy. O gumagawa ng kamalig mula sa Magna Tiles, saka mo ipapasok ang mga dinosaur sa loob nito. Pagkatapos ay sinisipilyo ang mga ito bago patulugin.

Mahalaga, sa mga routines ito ng paglalaro, ang iyong anak ang sentro ng universe. Sila lamang ang magpapasya; sila lang ang kumikilos. Ang lahat sa paligid ay sumusunod lamang sa kanya. Hindi sila nag-iisip, hindi sila sumasagot, at hindi sila nanggugulat o nangsosorpresa. They only exists.

Sa ibang paraan, sa universe na ito, lahat pwedeng pakainin, pero ang anak mo lang ang makakain.

Napalawak ng functional play. Nangangahulugan ito na ang iyong anak ay muling sumali sa ating social mundo. Ngunit mayroong isang mahalagang hakbang na dapat nilang gawin bago sila magkapagsalita.

Symbolic play

Dahil naibalik na natin sila sa kanilang sariling tiyak, ligtas, komportableng realidad, dapat naman nilang basagin ito at lumabas sa isang bagong universe kung saan magagawa nila ang anumang gusto nila sa pamamagitan lamang kanilang imahinasyon. Imagination — ang huling hakbang.

Naaalala mo ba ang noong nag-aaral ka ng algebra? Napakaayos ng math bago ang algebra, ang bawat numero ay kumakatawan sa isang bagay na grounded at totoo. At pagkatapos ay lumitaw ang "x". Ano ang x? Maaari itong maging kahit ano. Ano ang ibig mong sabihin, kahit ano? Kahit ano!

Ang iyong konsepto ng matematika ay nasira sa sandaling iyon, upang mapalitan (sana) ng isang mas malawak at kumplikadong pattern.

Yung terror? Oo. Iyan ang nararamdaman ng iyong anak tungkol symbolic play.

Ngayon ang mga kahoy na blocks ay maaaring maging mga telepono. Ang mga bato ay maaaring maging pera, ang dumi ay maaaring gasolina, ang mga patpat ay maaaring baril, o mga espada, o mga tulay. Maaaring mabuhay ang mga sasakyan. Ang mga sahig ay maaaring maging lava. May agenda ang mga ibon. Maaari mong i-freeze ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi nito.

Halos hindi ko na kailangan pang ilarawan ang symbolic play, dahil lahat ay tinatawag lang itong laro. Madali itong nagagawa ng mga matatanda. Nakakaexcite at masaya ito. Ngunit ito ay nakakatakot para sa iyong anak. Mangyaring isantabi muna ang symbolic play hanggang sa panahong nakabuo na sila ng mga basic skills sa paglalaro.

At the end of the day, ang paglalaro ay isang kasanayang maaaring ituro sa mga bata at mga magulang. Ito ang daan kung saan ang iyong anak ay muling makasasali sa ating social world at ang sasakyan kung saan sila lilipad patungo sa napakaraming posibilidad. Ang pagtalon mula sa functional tungo sa symbolic na paglalaro ay kritikal sa pagbuo ng wika, at tatalakayin ko ito ng masinsinan sa susunod na seksyon.