An Intensive Push

“Or what about elves and unicorns,
or cranberries grown with pairs of horns,
or chocolate cheesecakes laced with thorns,
these things do not exist.”
— ”Things That Don’t Exist”, by Eppink, Hannon, and Taite
“And if the genie were set free
And by the laws of things like that, he’s indebted to me
I’d bury my three wishes
Deep down in the ground
So I will not turn my whole life upside down.”
— “Upside Down”, by Barenaked Laides

Bakit mahalaga ang kumbinasyon ng dalawang salita

Requesting sa pamamagitan ng AAC? Check.
Pagtuturo (pointing)? Check.
Functional na paglalaro? Check.

Ang iyong anak ay nasa magandang kalalagayan. I-enjoy ang tagumpay, ngunit huwag manatili dito. Mayroon na silang bokabularyo, na napakahalaga. Marunong na silang maglaro sa social world, na tunay na nakakapanatag. Ngunit ang tunay na premyo — wika — ay wala pa. Gayunpaman, maaari itong mangyari, kung alam mo kung ano ang hahanapin, at ipursige ito sa isang tiyak na paraan.

Ano ang wika na mahalaga?

Hindi ito functional na komunikasyon. Nasasabi na sa iyo ng iyong anak kung ano ang gusto nila sa pamamagitan ng pagpindot sa isang button. Ang ibig sabihin ng "Cookie" ay pareho sa "Gusto ko ng cookie, please." Ang ibig sabihin ng "pee" ay katulad ng "Gusto kong pumunta sa banyo, please." Ang pagdaragdag ng higit pang mga salita dito ay kagandahang panlipunan, hindi wika.

Ito ay hindi mga pangunahing salita, mga salitang na madalas na ginagamit natural na pananalita. Hindi kailangang pindutin ng iyong anak ang "ito" o "dito" o "iyan" o "doon" sa AAC. Mahusay nilang maiparating ang mga ideyang iyon sa pamamagitan ng pagtuturo.

Ang iba mga AAC app ay may mga pages para sa mga numero, hugis, kulay, panahon, damdamin, coping skills, at mga terminong medikal. Lahat ay kapaki-pakinabang, ngunit bokabularyo lamang.

Kaya ano ang wika na mahalaga?

Ito ay mga kumbinasyon ng salita na daan sa imahinasyon. Narito ang limang pangngalan(nouns): kotse, pusa, dinosaur, saging, mommy. At narito ang limang pandiwa(verbs): nagtatapon, kumakain, tumatakbo, umaatake, natutulog.

Ngayon pumili ng isa sa mga pangngalan at isa sa mga pandiwa. Nakikita mo ba sa iyong isipan ang mga nangyayari?

Ngayon pumili ng isa pang kumbinasyon. Bigla kang nasa ibang mundo, ibang oras, ibang lugar. Lumilipad ang iyong isip mula sa natutulog na mommy hanggang sa isang dinosaur na tumatakbo.

Isang bagay na kamangha-mangha ang nangyayari sa normal na bata kapag sila ay nasa 18 buwang gulang. Sa oras na ito, marunong na silang magsalita ng humigit-kumulang 50 salita. Ang ilan ay pangngalan at ang ilan ay pandiwa. Ang kapansin-pansing pangyayari ay nagsimula silang pagsamahin ang mga salita sa mga pares: karamihan ay mga pangngalang at pandiwa at mga pandiwa at pangngalan. Maaaring hindi ito mukhang mahalaga, ngunit ito ang susi sa lahat.

Bakit? Ang mga 18 buwang gulang na bata ay nasa sensorimotor stge — kung ano ang naabot nila dito ay madadala nila sa kasalukuyan. Umiikot ang mundo sa harap nila. bola. Daddy. Gatas.

Sa mga susunod na buwan ay uusad sila sa preoperational stage — gamit ang wika upang maglakbay sa space at oras. Ball roll. Daddy go. Milk more. Marunong na silang magplano, Marunong na silang mag-abang, Marunong na silang mag-imagine.

At ang pagbabagong ito ay nangyayari dahil sa wika. Ang dalawang kumbinasyon ng salita ay kritikal.

Maraming mga autistic na bata ang hindi kailanman nagawa ito, dahil nangangailangan ito ng isang matinding pagbabago sa pag-iisip. Gumagalaw ang kanilang bibig, ngunit iisang salita lang ang lumalabas. O mga scripted na parirala. O mga piraso ng kanta. Gusto ng ilan ang term na "gestalt language processing." Ngunit hayaan mo akong sabihin ito nang malinaw. Ito ay pagsasalita na walang wika. Katumbas ito ng kapasidad ng pagpapahayag ng wika ng isang 18 buwang gulang na bata. At 40% ng mga batang autistic ay nananatili sa antas na ito sa edad na 9 taong gulang.

Ang magandang balita ay ang kumbinasyon ng dalawang salita ay na kakayahang madaling ituro, kung nagawa mo na ang lahat ng hakbang patungo dito — pagbuo ng bokabularyo, pagtuturo, at paglalaro.

Noong 26 na buwan na ang anak ko, masayahin siyang bata. Magaling siyang maglaro, at magaling tumuro. Ang kanyang spontaneous speech ay limitado sa "help", "help please", at "pick me up"; pati na rin ang mga tunog sa kapaligiran tulad ng "beep", "whee", at "honk." Naunawaan niya ang daan-daang pandiwa at libu-libong pangngalan, at sasabi ito pabalik sa amin. Ngunit hindi siya motivated na gamitin ang alinman sa mga salitang ito sa kanyang sarili. Bakit nga naman? Nakukuha na niya gamit lamang and ilang salita ang lahat ng kailangan niya: “help” — tatakbo ako sa kanya — ”pick me up” — bubuhatin ko siya — tapos ituturo niya kung ano ang gusto niyang kunin ko. Sa isip niya, set na siya. Ngunit ang kanyang expressive language ay mas mababa pa rin kaysa sa isang 18 buwang gulang na bata.

Nagbago ang lahat isang Biyernes. Sinabi ng ABA na gusto nilang turuan siya pariralang may dalawang salita. Wala akong ideya kung paano nila magagawa iyon, kaya naisipan kong magsanay sa kanya. Sabi ko "eat baby" at kunyari ay kinain ko ang ulo nya. Nakakatawa eto para sa kanya at nagsimulang siyang magsabi ng "eat baby" nang paulit-ulit, at nakatingin siya sa akin nag-aabang ng aking susunod na gagawin.

Makalipas ang isang oras, sinabi kong "eat airplane", kinuha ang isa sa kanyang mga eroplano, at kinagat ang buntot nito. Siya ay tumingin at saglit na nagtaka, pagkatapos ay naging napaka-excited. Sabi niya, "eat helicopter." Kinagat ko ang helicopter niya. Sinabi niya, "eat fire truck." Kinagat ko ang kanyang fire truck. Saglit siyang nagpabalik-balik sa eroplano, helicopter, at fire truck. Tapos ngumiti siya at sinabing, "eat baby!" Kinagat ko ulit ang ulo niya.

Nang maglaon, ipinakilala ko ang iba pang mga pandiwa tulad ng kiliti, atake, hiwa, ikot, hagis, at busina. Kusang nasabi niya ang 2 word phrase at 3 word phrase ng araw ding iyon.

Saglit siyang tumigil sa paggawa nito. Pagkatapos ng isang buwan, humusay ang kanyang wika. Siya ay umunlad nang dalawang beses na mabilis kaysa sa karaniwang pag-unlad. Pagkalipas ng ilang buwan, nawala ang speech delay. Nakahabol na siya.

Ang karanasang iyon ang nagpatibay sa aking isipan ang pagiging pangunahin ng paglalaro. Walang pakialam ang anak ko sa pandiwa na "want" at sa mga pangngalan na "snack" o "water." Ang kanyang mundo ay puno ng mga eroplano, fan, wind turbine, space shuttle, kotse, trak, propeller, helicopter, air conditioner, rocket, excavator, pala, stick, baril, butones, susi, motor, ilaw, switch, at pinto. Ang mga pandiwang may pakialam siya ay kumain, umatake, paikutin, ihagis, barilin, sundutin, itulak, pindutin, tumalon, liko, umakyat,, bumukas, at bumusina. Natuwa siya nang malaman niyang ang wika ay maaaring gumawa ng mga bagong bagay sa kanyang mundo. Ang paglalaro ay gumana nang ang pagbibigay-diin sa functional na komunikasyon ay hindi, dahil natuto siya ng paglalaro, nasiyahan siya sa paglalaro, at dahil — para i-paraphrase ang Cindi Lauper — Babies Just Want to Have Fun.

Pagsasama-sama ng wika at laro: isang pamamaraan na tinatawag na JASPER

Ang pag-unlad na ginawa ng aking anak sa maikling panahon ay hindi karaniwan. Maaari kang mag-alinlangan, at tama ka — ito ay isang kuwento tungkol sa isang bata. Walang garantiya na gagana ito sa parehong paraan para sa iyong anak. Ang pinaka-malamang na resulta sa pagsasabi ng "eat baby" at kunwaring pagkain sa ulo ng iyong anak ay hindi ang paulit-ulit nila nito. Maaring wala silang reaksyon. Katahimikan lamang.

Ngunit may isang paraan na magagawa mo ang ginawa ko, ngunit mas sinadya at matiyaga, na malamang na gagana para sa iyong anak. Ito ay batay sa isang pamamaraan na tinatawag na JASPER (Joint Attention Symbolic Play and Emotional Regulation), na binuo sa lab ni Prof. Kasari sa UCLA. Ang JASPER ay napatunayang gumagana sa dose-dosenang mga pag-aaral na kinasasangkutan ng higit sa 500 autistic na mga bata.

Napanood mo na ba ang pelikulang Jiro Dreams of Sushi? Si Chef Jiro, 85 taong gulang, ay nagmamay-ari ng 10-seat restaurant sa Tokyo. Tuwing alas-5 ng umaga, ang kanyang 50 taong gulang na anak na lalaki ay pumupunta sa Tsukiji Market sa tabi ng mga pantalan upang makuha ang pinakamagandang isda para sa araw na iyon. Ang pagkain ay maingat na inihanda at napakahusay.

Ang JASPER ay nasa kalibre na inaasahan mo mula sa isang grupo na gumugol ng huling 35 taon sa pagperpekto nito. Ako ay masuwerte na naipasok ang aking anak sa isa sa kanilang mga pag-aaral sa pananaliksik noong siya ay 16 na buwang gulang. Nagkaroon na siya ng mahusay na speech, OT, at ABA therapist mula noon, ngunit walang katulad ang natanggap niya sa UCLA. Dalawang isang oras na session kada linggo — at pagkatapos ng bawat session ay pagod na pagod siya. Nakakaidlip siya ng labis sa isang oras pagkatapos.

Ang JASPER ay isang hindi pangkaraniwang therapy dahil ito ay intensive sa therapist, hindi sa oras. Kapag ginagawa ang JASPER, kailangang nakatutok ang therapist — nakaayon, malikhain, at present. Ngunit kapag sila ay tapos na, sila ay tapos na. May progress bawat linggo. Mabilis na nakikita ang resulta. Ito ang perpektong therapy para sa mga abalang magulang - nakatuon, matindi, mabilis. Hindi mo kailangang magdala ng iPad buong araw, magsalita at pumindot ng mga buttons. Hindi mo kailangang gawin ito magpakailanman nang walang katapusan. Ang kailangan lang ay naroon ka — ganap na naroon — para sa iyong anak ng isang oras bawat araw sa loob ng 3 buwan. Ito ay isang sprint, hindi isang marathon.

Ang seksyong ito ay hindi mabibigyang hustisya ang JAPSER — mayroong isang clinician’s manual na naglalarawan nang buo sa pamamaraan, at isang programa sa pagsasanay sa Los Angeles para sa mga gustong matutong gawin mismo ang method na ito. Ngunit maaari akong magbigay ng ilang mga strategies batay sa JASPER. Sa kabutihang palad, ang mga pag-aaral ni Kasari ay nagpakita na ang mga magulang ay maaaring matuto ng sapat na paraan upang mapalakas ang language development ng kanilang anak.

Okay. Ito ang oras kung kailan ang lahat ng mga piraso ay magkakasama in one intensive push.

Sa ngayon, ang iyong anak ay maaaring marunong na magrequest ng dose-dosenang salita gamit ang AAC. Marunong na magturo. Marunong na silang makipaglaro sa iyo in a functional way.

Isipin kung ano ang gusto mong gawin ng iyong anak — sabihin ang "eat bee!" habang ngumunguya ng stuffed bee. Ang pagsasabi ng "teddy cook" habang ang isang stuffed bear ay nagluluto ng pagkain para sa kanyang mga kaibigan. Ang pagsasabi ng "dinosaur chase" habang ang T Rex figurine ay hinahabol sa isang manika. "Doll hide!" Habang nakaturo para sa bigyang diin ito.

Upang mangyari ito, kakailanganin mong maging isang malinaw na modelo ng wika para sa iyong anak. Parang isang magalang na mayordomo, na gumagawa ng mga exaggerated na kilos habang nagsasalita nang mabagal at malinaw. Hindi ka nagtatanong. Hindi mo dinidikta sa iyong anak kung ano ang dapat niyang sabihin. Isinasalaysay mo ang sarili mong part ng laro gamit ang dalawang salita na parirala, habang ginagamit ang bawat modality na magagawa mo — pagtuturo, AAC, at pagsasalita.

Illustration of a parent narrating a two-word phrase while using multiple modalities (pointing, talking, and AAC) during a play routine with a child.

Halimbawa, sabihin nating ikaw at ang iyong anak ay gumagawa ng kotse mula sa Magna Tiles, para mabisita ni Tiger ang kanyang mga kaibigan sa zoo.

Pagkatapos ay idagdag mo ang tile sa kotse. Hindi mo kailangang sabihin ang lahat ng iyong ginagawa — tiyaking mag-iwan ng pagkakataon para sa iyong anak na magdagdag.

Baka kumuha ang iyong anak ng tile at idagdag ito. At ngayon turn mo na naman. Ngunit sa pagkakataong ito, Banggitin mo ang ibang bahagi ng iyong ginagawa:

Panatilihin ito. Ulitin. Ulitin. Maghintay para sa isang himala.

Illustration showing a child attempting to say 'tile' and the parent responding by repeating and expanding the word, modeling language extension.

At pagkatapos ay nangyari ito. Itinuro ng iyong anak ang isang tile at sinusubukang sabihin ang "tuh!"

Ngayon ulitin mo kung ano ang ibig nilang sabihin, ngunit mas malinaw:

Kung malinaw nilang sinasabi ang salita, o ginagamit ang AAC para sabihin ang salita, maaari mong palawakin ang sinasabi nila:

Ang lahat ng ito ay maaaring mahirap i-juggle habang sinusubukan mong makipaglaro sa iyong anak. Huwag mag-alala tungkol sa pagiging perpekto. Ituon ang iyong mata sa premyo — ang pagkatuto ng iyong anak na magsabi ng mga kumbinasyon ng dalawang salita nang mag-isa. At magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga pariralang may dalawang salita habang naglalaro sa paraang napakadaling kopyahin. Turo. Usap. Gumamit ng AAC.

Kapag sinabi nila sa iyo ang kanilang unang dalawang salita na parirala, tumugon nang masigasig! At sabihin ito pabalik sa kanila. Ang masigasig na bahagi ay darating nang natural, Pangako.

Kapag bumukas na ang mga floodgate, magpatuloy. Maaari mong payagan ang iyong sarili ng kaunting relief sa puntong ito. Kapag nakuha na ng iyong anak kung paano gumagana ang 2 kumbinasyon ng salita, kaya na nilang gawin ito forever. May nagbukas na sa utak nila. Ito ay tulad ng pagsakay sa bisikleta — mas mabuti lang. Lumilipad sila sa preoperational stage gamit ang mga pakpak ng wika.

Kapag nakita na nila kung paano maaaring magpalit-palit ang mga pangngalan at pandiwa, ito ay isang maliit na hakbang upang bigyan din ng daan ang iba pang mga bagay. Kumakain ako. Kumakain si Teddy. Nag drive ako. Si Teddy ang nagmamaneho. Symbolic play, imahinasyon, lahat ng ito ay magkakasama na ngayon. Ang kanilang wika ay lumalaki at lumalaki, at ngayon ang kanilang bibig ay walang tigil dahil marami itong gustong sabihin.

Aided Language Modeling

Nakagawa ka na ba ng rock candy? Magpakulo ng tubig, pagkatapos ay lagyan ng maraming asukal hanggang sa ang hindi na kaya ng likido na i-hold ang asukal (kapag ang asukal ay nagsimulang maipon sa ilalim sa halip na matunaw). Ibuhos lamang ang likidong bahagi sa isang hiwalay na mangkok, pagkatapos ay hayaan itong lumamig. Ang malamig na tubig ay hindi kayang humawak ng mas maraming asukal gaya ng mainit na tubig, kaya kalaunan ay kailangan ng asukal sa isang lugar na mapupuntahan. Unti-unti itong lumalabas bilang isang magandang kristal. Maaari itong mangyari sa isang minuto; maaari itong mangyari sa isang oras; ito ay maaaring mangyari sa isang araw. Kapag ang kristal ay nagsimulang lumaki, ito ay hindi mapipigilan.

Maaaring gusto mong malaman kung kailan magbubunga ang iyong mga pagsisikap sa pagtuturo ng wika. Mangyayari ba ang mga kumbinasyon ng dalawang salita sa unang linggo? ika-6 na linggo? O hindi talaga?

Hindi ko alam. Hindi posibleng malaman kung kailan ito mangyayari, kapag ang kaguluhan ay unti unting naayos, kapag ang pattern ay nagsasama-sama nang wala sa isip ng iyong anak. Ang magagawa mo lang ay lumikha ng mga tamang kondisyon para mangyari ang paglago. At nangangahulugan iyon ng pagbabad sa mundo ng iyong anak ng maraming kumbinasyon ng dalawang salita hangga't maaari.

Iyan ang ideya sa likod aided language modeling. Magsalita nang normal sa iyong anak, na nagsasalaysay ng iyong mga aksyon sa buong araw. Dalhin ang iyong tablet o telepono sa lahat ng oras. Habang nagsasalita ka, pindutin ang mga buttons para sa mga pangunahing salita, halimbawa.

Sa kalaunan, maaaring magsimulang i-tap ng iyong anak ang sarili nilang mga kumbinasyon ng salita sa AAC.

Illustration of a parent tapping 'eat' and 'banana' on an AAC device while the child eats a banana.

Reasonable naman diba? Tap habang nagsasalita ka. Tap habang nagsasalita ka. Dalhin ang device, at kunin ang bawat pagkakataon upang i-tap ang mga kumbinasyon ng dalawang salita. Kung mas maraming language model ang maibibigay mo, mas mabuti.

Narito ang hamon: talagang mahirap ito gawin. Hindi yung tapping while talking part. Mabilis kang masanay diyan. Ngunit ang psychological na aspeto ang magirapl. Baka mapunta ka pagmomodelo nang walang inaasahan, gumugugol ng araw sa pag-tap habang nagsasalita ka — habang walang reaksyon mula sa iyong anak. Ito ay nakakabaliw, ginagawa mo ito nang paulit-ulit, na may parehong resulta sa bawat oras.

Kaya naman inirerekomenda ko ang aided language modeling bilang alternatibong pamamaraan, hindi bilang pangunahing pamamaraan.

Pagtuturo sa iyong anak kung paano magrequest? Iyan ay isang pamamaraan lamang, na may maraming motivation sa magkabilang panig. Mag-hand-prompt ka, nakakakuha sila ng cookie, masaya ang lahat.

Paggamit ng AAC habang naglalaro? Ang mga kumbinasyon ng dalawang salita ay mabilis at kakaiba, isang patunay ng pabago-bagong katangian ng paglalaro. Ito ay isang target-rich na kapaligiran. I-tap mo ang "throw" + "ball," lumilipad ang bola sa ere, matutuwa ang bata.

Paggamit ng aided language modeling sa iyong pang-araw-araw na routine at buhay? I-tap mo ang "put" + "shoe" habang isinusuot ang kanilang sapatos. Walang nangyari. I-tap mo ang "open" + "door" habang binubuksan ang pinto. Walang nangyari. I-tap mo ang "eat" + "banana" habang kumakain sila ng saging. Walang nangyari. Kung kaya mo itong gawin, please gawin mo ito. Makakatulong ito sa iyong anak sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maraming language model, tulad ng pagbuhos ng mas maraming asukal sa kumukulong tubig. Ngunit kung ito ay masyadong mabigat? Naiintindihan ko. Huwag mag-alala. Sa halip, focus on modeling language habang naglalaro.

Visual Rhythm Game

Ngayon para sa isang bagay na medyo magaan — musika! Ang paglalaro ay isang paraan para masabik ang mga bata sa wika. Iba ang musika. Ang mga salita ay nagbibigay-alam, ngunit ang musika ay gumagalaw, kaya't ang ilang mga bata na hindi makapagsalita ay kumakanta pa rin. Sino ang nakakaalam kung bakit? Marahil ito ay may kinalaman sa iba't ibang bahagi ng utak na-aactivate. O marahil ang emosyonal na resonance ng musika ay naghahatid ng mas malalim na mensahe: ito ay may kahulugan. Kahit na hindi ko alam ang mga salita, may ibig sabihin ito, at ito ay dapat bigyang pansin. Ang musika ay maaaring maging tulay sa wika.

Interface of Visual Rhythm showing the song 'Wheels on the Bus' with words like Wheels, Bus, and Round highlighted'

Ang Visual Rhythm ay isang supplemental game na pinagsasama ang Aided Language Modeling sa mga kanta ng mga bata. Habang tumutugtog ang bawat kanta, lumilitaw sa screen ang mga tile ng larawan ng mga pangunahing salita. Ang iyong anak ay nag-tap sa bawat tile sa ritmo upang ipagpatuloy ang kanta. Kapag nalagpasan ang isang beat, at hihinto ang kanta hanggang sa mag-tap sila. Makakakuha sila ng agarang feedback — i-tap ang salita, at magpapatuloy ang kanta (katulad ng Sensory Social Routines na ginawa mo sa unang seksyon).

Narito ang isang halimbawa ng paghihiwalay ng mga pangunahing salita upang makatulong sa pagbuo ng wika:

If you’re HAPPY and you know it CLAP your HANDS.

Hinahati nito ang kanta sa mga parirala, na maaring sabihin ng iyong anak sa sarili nila sa susunod na pagkakataon.

HAPPY. CLAP HANDS.

Para sa isa pang kanta:

The DOOR on the BUS goes OPEN and SHUT.

na nagiging:

DOOR BUS. OPEN. SHUT.

Maaaring makatulong ang laro sa pagsasalita gayundin sa wika. Ang mga bata sa pagitan ng 6 hanggang 12 buwang gulang ay dumaan sa stage ng "babbling and banging", magkasabay na salita habang ipinapalakpak ang kanilang mga kamay o pinaghahampas ang isang bagay sa maayos na paraan. Ang pagsasama-sama ng vocal at motor system ay sinasabing makakatulong sa pagbuo ng pagsasalita sa mga susunod na taon. Mayroong isang therapy na tinatawag na Auditory Motor Mapping Training na kinasasangkutan ng pag-awit at pag-drum na nagpakitang nakatulong sa minimally verbal autistic na mga bata na makapagsalita. Ang pag-awit at pag-tap sa mga salita ay maaaring makatulong sa katulad na paraan.

Sa wakas, kung ang iyong anak ay gustong makinig sa parehong kanta nang paulit-ulit, maaaring masiyahan siya sa larong ito. Ngunit sa halip na makinig lamang, ang iyong anak ay magiging aktibong nag-eengage sa mga salita at wika.

Makakatulong ba talaga ang lahat ng ito sa iyong anak? Hindi ko alam. Ang laro ay pandagdag lamang at "hindi pa napatunayang gumana." Ngunit pinagsasama nito ang mga elemento ng mga pamamaraan na kilala upang makatulong sa wika at pananalita. Hinihikayat ko kayong subukan ito. Hindi ito makakasakit, maaaring makatulong, at malamang na masaya ito para sa kanila.

Visual Language Game

Nakipag-usap ako kay Prof. Howard Shane mula sa Harvard Medical School, na nagtrabaho kasama ang daan-daang mga batang autistic na minimally verbal.

Ipinakita ko sa kanya ang Visual Choices, at medyo dismissive siya. Anumang app ay maaaring magturo sa mga bata na magrequest ng mga solong item, paliwanag niya. Ang tunay na hamon para sa anumang AAC ay karamihan sa mga bata ay na-stuck sa level na iyon.

Ang dahilan? Nagkaroon ng kakulangan ng diin sa 2 kumbinasyon ng salita sa tradisyonal na speech therapy. Core words, oo. Functional communication, oo. Ngunit ang pag-aaral kung paano pagsamahin ang mga pangngalan, pandiwa, at adjectives maayos? Hindi.

Inirerekomenda niya ang pagtuturo ng language arts instruction — tahasang nagtuturo kung paano pagsamahin ang mga salita. Para dito, gumawa siya ng mga activity board — mga koleksyon ng mga pangngalan, pandiwa, pang-uri, at pang-ukol na na-curate sa isang partikular na activity. At pagkatapos ay magsasadula siya ng isang activity at magmomodelo kung paano gumawa ng mga tamang kumbinasyon ng salita. O kukuha siya ng larawan o video ng isang eksena, at ipalalarawan ito sa bata sa parehong paraan. (Nakipag-usap din ako kay Prof. Binger sa Unibersidad ng New Mexico, na nagpioneer sa paggamit ng mga activity board upang mag-modelo ng mga kumbinasyon ng dalawang salita; ipinahayag niya ang parehong mga frustration gaya ni Prof. Shane sa kasalukuyang estado ng pagtuturo ng wika ng AAC, kahit na mas nakatuon siya sa aided language modeling habang naglalaro).

Parang pamilyar? Ito ay sumunod sa parehong ideya ng JASPER. Alamin kung paano magmodelo ng maraming kumbinasyon ng salita, at hikayatin ang bata sabihin ito. Ngunit ang pagkakaiba ay hindi ito natural na nangyayari sa paglalaro. Magpapakita siya ng isang eksena, i-momodel nito, magpapakita ng isa pang eksena, i-momodel ito, pagkatapos ay magpapakita ng isa pa, at maghihintay ng response. Isa itong tahasang pagtuturo ng wika — at epektibo ito. Marami sa kanyang mga pasyente ang mabilis na umunlad sa wika sa ganitong paraan.

Interface of Visual Language showing a big cat, along with a multiple choice question: big or small?

Gumawa ako ng Visual Language bilang isang paraan para makapagsanay ang iyong anak ng wika sa paraang naaayon sa approach ni Prof. Shane. Ang laro ay may dalawang bahagi. Una ay isang set ng mga structured na aralin, ang bawat isa ay nakatuon sa isang partikular na uri ng kumbinasyon ng salita. Mahigpit nitong sinusunod ang mga konstruksyon na isinulat ni Brown sa kanyang orihinal na akda sa pagpapaunlad ng wika ng bata. Halimbawa, Magpapakita kami ng larawan ng big cat, at nagtatanong kami

[big or small?] cat

Kailangang piliin ng bata ang tamang pang-uri. Pagkatapos ay nagpapakita kami ng larawan ng isang small bear:

small [cat or bear?]

Kailangang piliin ng bata ang tamang pangngalan. Sa huli, ipinapakita namin sa bata ang isang larawan ng isang small cat, at papiliin sila ng tamang pang-uri at tamang pandiwa:

[big or small?] [cat or bear?]

Naiintindihan ba nila ito? Naiintindihan ba nila kung paano maaaring maghalo at magkatugma ang mga salita? Sa paulit-ulit na pagsasanay, nagawa nila ito.

Ang laro ay nagpapatuloy sa mga verb-objects, subject-verb, subject-verb-object, mga pariralang pang-ukol, at iba pang mga constructs.

Interface of Visual Language showing a magic AAC with the sentence 'child push big teddy'

Ang pangalawang bahagi ng Visual Language ay isang “magic AAC”, isang grid ng 5 nouns, 5 verbs, 4 adjectives, 2 prepositions, at ang extra verb na “is”. Ang iyong anak ay nag-tap sa isang pangungusap na hanggang 5 salita, at isang larawan ang agad na lilitaw. Halimbawa:

Sa halip na matuto ng wika sa pamamagitan ng paglalaro, ang iyong anak ay naglalaro ng wika. Nararanasan nila mismo kung paano maaaring pagsamahin ang mga salita upang makagawa ng libu-libong mga posibilidad (humigit-kumulang 3,000 mga larawan).

Maaari kang tumutol — ang aking anak ay halos hindi gumagawa ng kahit anong tunog gamit ang kanyang bibig, at ikaw ay nagsusulong para sa tahasang pagtuturo ng grammar. Nasisiraan ka na ba ng bait?

That is fair. At nauunawaan ko na tila mahirap at hindi natural.

Isipin mo na lamang — Napagawa na namin sa iyong anak ang mga mahihirap na bagay. Masisikap ang mga bata. Ang pagkakaroon ng mental leap sa edad na 18 buwang gulang ay hindi madali. Maaaring maraming paraan upang matulungan ang isang bata na gawin ang mga ito, ngunit sa huli, kailangan pa nila itong gawin. Kung hindi nila ito natutunan ngayon, hindi ito magiging mas madali bukas at lalong hindi sa mga susunod na panahon.

Tungkol naman sa natural versus unnatural, mayroong isang bagay na nakakaakit tungkol sa ideya na para magturo ng wika, ang kailangan mo lang gawin ay i-expose ang iyong anak sa sapat na mga sample nito. Kalaunan ay bibigyan nila ng pansin, makikita nila ang pattern, at magsisimulang magsalita sa mga pangungusap, tulad ng mga normal na bata. Ngunit hindi ito nangyayari para sa karamihan ng mga autistic na bata. Maaaring maging kapaki-pakinabang ang karagdagang suporta, gamit ang modality na na-eenjoy ng inyong anak.